View Full Version : Mabuhay!
Edwin
12-26-2007, 08:06 PM
Sa inyo pong lahat na interesado na malaman kung ano ang CST at ang mga sangay nito huwag po kayong mag atubili sa inyong mga katanungan at sisikapin po ng forum na ito na mabigyan linaw ang lahat ng inyong mga ibig malaman.
Salamat po at Mabuhay kayong lahat!
Mabuhay po kayo, Mang Edwin.
Angkin ko na po iyong programang Intu-Flow; pati na rin yung Xtension DVD na may kasamang dalawang tig-limang libra na Clubbell. Araw araw po ang aking pagsasanany hango sa iba't-ibang parte ng Intu-Flow. Pero yung Clubbell naman ay isa o dalawang beses lang bawat linggo; simula noong binili ko ang mga ito halos dalawang taon na ang nakakaraan.
Ang tanong ko po ay tungkol sa Prasara Yoga. Sa dami ng pwedeng pagpipilian, ano po ang inyong maimumungkahi sa isang baguhan tulad ko? Katulad po ng nakararami sa ating lipunan, hindi naman po ako mayaman sa salapi kaya hinay-hinay lang po ako sa pagbili ng mga programa't kagamitan kahit ang mga ito ay makabubuti sa aking kalusugan.
Marami pong salamat sa pagkakataong makapagtanong sa isang dalubhasang katulad ninyo. Nawa'y datnan kayo ng liham na ito na nasa matiwasay na kalagayan.
Patnubayan po kayo ng Poong Maykapal.
Gumagalang,
Agustin "Gus" M. Ruiz
Edwin
01-08-2008, 12:02 PM
Gus,
Ako'y nagagalak na mayroon na sa atin na nag kakainteres sa CST. Sa loob ng dalawang taong pagsasanay sa IntuFlow at Xtension ikaw ay hinog na sa Prasara at sa mas mabigat na paggamit ng clubbell. Una sa lahat ay gaano ang iyong edad at anong mga uri ng pagsasanay/sports ang iyong kinahihiligan? Ano sa Prasara ang ibig mong malaman? At ano ang gusto mong marating sa larangan ng CST? Saan ka sa Pilipinas nanunuluyan?
Edwin
Edwin,
Maraming salamat sa pagsagot mo sa aking isinangguni. Marapat lang siguro na tumbasan ko ito sa pamamagitan ng pagsagot ko sa iyong mga katanungan tungkol sa akin:
1) Edad? 48.
2) Uri ng pagsasanay/hilig? Sari-sari...(kasama na rito ang arnis-de-mano/kali/eskrima).
3) Ano sa Prasara ang gusto kong malaman? Hihintayin ko ang iyong rekomendasyon para sa baguhang tulad ko.
4) Ano ang gusto kong marating sa CST? Layon kong marating ang mga "pangakong" dulot ng maayong pagsasanay sa CST. Pero, dahil nga sa angkin ko na ang Xtension DVD at ang pinakamagaan na Clubbell, nais kong simulan yung Prasara Yoga.
5) Saan sa Pilipinas ako nanunuluyan? Sa kasalukuyan ay nasa Estados Unidos ako -- pero tubong Pampanga ako.
Nawa'y nasagot ko lahat ang iyong mga katanungan. Salamat uli sa iyong tulong.
Gumagalang,
Gus
"Kalusugan muna bago ang lahat"
Edwin
02-06-2008, 03:11 PM
Magandang umaga sa 'yo, Gus. Paumanhin sa mahabang panahon na di pagsagot. Ako'y galing sa labas ng bansa dahil sa isang conference at sa pagbabalik ko wala akong internet service dahil may natuwa at inuwi ang kable ng telepono dito sa lugar namin. Nagiging pastime na ng iba dito sa atin itong pagnanakaw ng kable dahil sa mga naibebentang tanso :).
Pareho tayo ng edad na 48 at pareho din tayo ng hilig sa arnis/kali. Ang side ng nanay ko ay tubong Pampanga rin(Candaba at Santo Tomas).
Sa aking experience sa CST since 2004 (ikaw 2003) nakita ko na ang pinakaimportante ay IntuFlow. Noong Warrior Wellness pa, sabi nila "CST begins and ends with WW". Dahil nag-evolve na ang WW sa IntuFlow masasabi natin ngayon na "CST begins and ends with IntuFlow". Mapapansin mo na sa lahat ng galaw mo kailangan mo ng isang free moving joint. Kapag hindi mo naigalaw ito lahat ng ehersisyo na gagawin mo sa bahagi na ito ay walang kabuluhan. Magdadamay ka lang ng ibang muscle na walang kinalaman sa ginagawa mong exercise na maaaring maging counter productive pa sa pang matagalan.
Tama ang iyong simula sa pag gamit ng Xtension. Mas maganda kung sasabayan mo siya ng IntuFlow. In turn, malaki ang maitutulong ng IntuFlow sa Prasara. Sa clubbells naman, sa aking pananaw, isang pares ng 10s or 15s ay mahabang panahon mo ng gagamitin. Nagsimula ako sa 10s at bago ko nagawa ang karamihan sa mga exercises, mga 6 months ang binilang ko. Ang "pag-graduate" mula sa 10s patunong 15s ay isang experience sapagkat ito ay nasa 50% dagdag sa timbang. Noong una kong hinawakan ang 15s dahil sa requirement sa certification, gusto ko ng sumuko dahil akala ko hindi ko siya makakaya. Ibang klase ang strength requirement mula 10s papunta ng 15s.
Sa aking palagay, Prasara ang paborito mo. Yan din ang paborito ko dahil mahirap ituro :) . Nakakainip ang IntuFlow pero kailangan mong gawin kung hindi titigas ang katawan mo sa pagsasanay ng clubbell at iba pang programa katulad ng Forward Pressure. Kailangan talaga ang "3 Wings" para buo ang programa. Payo ko lang, huwag mong madaliin ang Prasara. Hindi mo siya makukuha sa pilit. Palagi mong tandaan ang sekreto sa training ng nag-iisa: RPT (Rate of Perceive Technique) na dapat 8 and above, RPE (Rate of Perceived Effort) hindi dapat bababa sa 6, at RPD (Rate of Perceived Discomfort) hindi dapat tumaas sa 3 lahat sa scale ng 1 to 10.
Hanggang sa muli,
Edwin
EJCross
05-24-2009, 07:54 PM
Mabuhay mga kabayan. Ok po ba na TagLis ang gamitin ko. Nagagalak ako na may sariling lugar tayo sa forum na ito. Salamat kay Coach Sonnon.
For introduction, ako po ay 60 years old na, 5'6" and now at 152 lbs. (from 187 lbs. on 1st of Jan., 2009). Maliban sa paglalaro ng golf and tennis in my late 30's to mid 50's, wala ako ibang fitness activities. In 2005, ginawa ko yung Power90 program ng BeachBody.com at tinuloy nung umuwi ako ng Pilipinas in November, 2006 at ngstay ng 10 months. Since I got back sa US nung Sept., 2007, dahil sedentary lng ako, lumaki at tumaba uli ako.
Simula po nung Enero 2009, nagumpisa ako ng Kettlebell training, hard style to regain my health and fitness. Ang timbang ko ngayon ay 152 pounds from 187 pounds, 1st of January.
Nung nakaraan buwan, I found RMAX somehow and got interested sa mga blog posting ni Coach Sonnon. Today, bumili na ako ng Intu-Flow® Complete Package and will do it as a warm up for my Kettlebell training. Sana po we can all keep in touch para we can share each other experience with any and all RMAX program. Sa darating na Agosto, babalik po ako dyan sa Metro Manila pagkagaling ko ng Costa Rica. I hope we can meet then.
To our health and fitness, ENJOY and MABUHAY!
EJ
Edwin
06-20-2009, 02:44 AM
Hi EJ
You're in the right track :). Come visit me in my clinic in New Manila when you're in town. It will be my pleasure to discuss things with you. PM me for my address and clinic number.
Edwin
Powered by vBulletin™ Version 4.0.7 Copyright © 2012 vBulletin Solutions, Inc. All rights reserved.